21 sports paglalabanan sa 3rd Asian Youth Games 

Inanunsiyo ng Olympic Council of Asia (OCA) ang mga petsa at sports program para sa 3rd Asian Youth Games na gaganapin sa Manama, Bahrain ngayong taon.

Dalawampu’t isang sports ang lalaruin sa kompetisyong itinakda sa Oktubre 22-31, 2025.

Sa circular para sa 45 National Olympic Committee ng OCA, sinabi ni Director General Husain Al Musallam ang petsa at sports program ay napagpasyahan sa pakikipag-ugnayan ng Bahrain Olympic Committee.

Kasama sa listahan ng mga paglalabanang sports ay athletics, badminton, basketball (3×3), equestrian (show jumping + endurance), e-sports, futsal, golf, handball, judo, jujitsu, mixed martial arts, cycling (road), swimming , table tennis, taekwondo, triathlon, wrestling, weightlifting, kabaddi, volleyball at teqball.