Magbabalik ang wushu, jiu-jitsu at karate bilang bahagi ng 33rd Southeast Asian Games sa Thailand sa susunod na taon.
Ang huling listahan ng mga palakasan ay opisyal makukumpirma pagkatapos ng pag-endorso ng SEAG council sa pulong sa huling bahagi ng Oktubre.
Isasagawa ang biennial meet mula ika-9 hanggang ika-20 ng Disyembre 2025 sa Thailand partikular sa Metropolitan Bangkok, Chonburi at Songkhla.
Kasunod ng pagpili ng host, inihayag ng Sports Authority of Thailand (SAT) magkakaroon ng 43 sports sa 33rd SEA Games.
Lahat ng 43 sports ay pinaglabanan sa Thailand National Games, kasama ang teqball, disc at tug of war na magiging demonstration isport.
Noong Hunyo 2024 ang karate, jiu-jitsu, weightlifting at wushu ay tinanggal mula sa kalendaryo ng Games ngunit ibabalik sa susunod na edisyon kabilang ang bowling, kabaddi at lawn bowl.