Lumabas sa pinaka-bagong survey ng Pulse Asia na may limang party-list na malakas ang laban para makakuha ng tig-tatlong upuan sa Kamara de Representantes sa darating na halalan sa Mayo 12.
Sa survey na ginawa mula Abril 20 hanggang 24, nangunguna sa laban ang Duterte Youth na may 5.57%, kasunod ang Agimat (5.52%), ACT-CIS (5.17%), 4Ps (4.85%), at Senior Citizens (4.55%).
Pitong party-list naman ang may pag-asang maka-dalawang puwesto: Tingog, Uswag Ilonggo, PPP, Nanay, Ako Bicol, Asenso Pinoy, at AKO Bisaya.
Hindi rin pahuhuli ang mga sumusunod na may posibilidad na makakuha ng tig-isang upuan sa Kongreso: 4K, 1-Rider Party-list, COOP-NATCCO, Malasakit@Bayanihan, FPJ Panday Bayanihan, Bicol Saro, AGAP, United Senior Citizens, GP, One COOP, Solid North Party, Kalinga, Trabaho, Abang Lingkod, Damayang Filipino, Magsasaka, Swerte, TUPAD, CIBAC, Batang Quiapo, TODA Aksyon, TGP, OFW, Ang Probinsyano, ALONA, Ahon Mahirap, BHW, CWS, ACT Teachers, ANGAT, Kabataan, Apat-Dapat, Abamin, at Babae Ako.
Hindi bababa sa 155 grupo ang nag-aagawan sa 63 puwestong nakalaan para sa mga kinatawan ng party-list sa darating na ika-20 Kongreso.