Nananatili ang Las Piñas City na baluwarte ng Nacionalista Party (NP) na may dalawang senador, isang congresswoman at nasa hanay nito ang karamihan sa mga halal na lokal na opisyales.
Ipinahayag ni two-term Sen. Cynthia Villar na patuloy na “force to reckon with” ang NP, ang pinakamatagal na political party sa Pilipinas at Southeast Asia.
Kasalukuyang senador sina Cynthia Villar at Mark Villar samantalang si Deputy Speaker Camille Villar ang kinatawan ng nag-iisang district ng Las Piñas.
Dating House Speaker at Senate President si Manny Villar na Pangulo ng NP. Siya rin ang pinakamayaman sa buong bansa.
Karamihan sa mga kasalukuyang local officials ng Las Piñas ay kabilang sa partido.
Kamakailan, nakipag-alyansa ang NP sa Partido Federal ng Pilipinas ni President Ferdinand Marcos Jr. na magpapalakas sa presensiya nito sa 2025 midterm elections.
“It is no wonder why the NP and Villars continue to enjoy the support of Las Piñeros. The family’s established reputation for competence, its extensive national network and political alliances, as well as its deeply-rooted relations with the communities are all important in addressing local needs,” ani Villar.