Kinumpirma ng Korte Suprema ang pagkaka-convict sa isang lalaki na palihim na kumuha ng maselang video ng kaniyang mga pamangkin.
Natuklasan ng isa sa mga pamangkin ang cellphone ng lalaki na nakatago sa loob ng lalagyan ng sabon sa banyo at nang buksan ito, nakita ang iba pa niyang mga video.
May mga video rin ng kanyang mga kapatid at mga pinsan habang sila’y naliligo.
Hinatulan ng Regional Trial Court ang lalaki ng aabot sa labing walong taong pagkakakulong at pinagbabayad din ng P900,000 na multa.
Pinagtibay ng Court of Appeals at ng Korte Suprema ang hatol.
Ayon sa desisyong isinulat ni Associate Justice Mario Lopez, malinaw na may paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.
Nakunan ng video ang maseselang bahagi ng katawan ng mga pamangkin, walang pahintulot ang pagkuha ng mga video, at ang mga video ay kinunan sa loob ng banyo kung saan may “reasonable expectation of privacy” ang mga pamangkin. (Ang larawan ay kuha mula sa https://www.criminaldefencelawyers.com)