Yasmien naospital

Isinugod si Yasmien Kurdi sa ER ng hindi binanggit na hospital matapos magka-rashes dulot ng matinding allergy.

Humina umano ang resistensiya ng aktres habang inaalagaan ang nagkasakit niyang anak na si Ayesha. 

Breast-feeding si Yasmien sa kanyang second baby kaya may oras lamang kung kailan siya puwedeng magpadede sa kanyang bunso dahil naka-steroid siya.

Kaugnay nito ay pinaalalahanan ni Yasmien ang mga kapwa niya ina na pahalagahan ang kanilang kalusugan upang patuloy na maalagaan ang kanilang mga anak.

Ayon sa Kapuso aktres, humina ang kanyang resistensiya nang nagkasakit si Ayesha dulot ng labis na pagaalala. 

 “Naka-steroids ako ngayon,” pagbabahagi niya sa kanyang Instagram Stories.

 “We often play the role of superwoman as mothers, staying strong when our children are unwell,” aniya.

 “Once Ayesha recovered, I fell sick, which made me realize just how much our motherly instincts help us stay resilient when we’re needed most,” sabi pa ni Yasmien.