‘Alice Guo mananalo sa eleksyon 2025’

Nagpahayag ng kumpiyansa ang abogado ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo na mananalo ang kanyang kliyente sa darating na halalan sa 2025.

“Kasi madami naman ang nagpu-push,” sinabi ni Atty. Sinabi ni Stephen David sa isang pahayag.

Ayon kay David, maghahain si Guo ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa susunod na linggo.

“Maganda kung tumakbo siya para malaman kung mahal pa ba siya ng tao,” sabi niya.

“Right now, maraming negative publicity, marami rin ang nagsi-sympathize. Marami din naman siyang ginawang mabuti sa bayan ng Bamban, marami pa rin nagmamahal sa kanya,” dagdag niya.

Noong Martes, sinabi ng Commission of Elections na wala itong kapa ngyarihan  awtomatikong kanselahin ang COC ni Guo sakaling magpasya siyang tumakbo.

Si Guo ay nahaharap sa mga kasong kriminal para sa qualified human trafficking, gayundin sa mga kasong graft and corruption