Masusukat ang kahandaan ng Pilipino shooters sa kanilang pagsabak sa 46th Southeast Asian Shooting Association (SEASA) Championships na gaganapin sa bansa at sa Taiwan sa Nobyembre 25 hanggang Disyembre 13.
Ayon kay Philippine National Shooting Association (PNSA) Secretary General Iryne Garcia ang SEASA event ang pinakamalaking torneo na iho-host ng bansa sa nakalipas na mga taon at pursigido ang Team PH malagpasan ang nakalipas na kampanya at madomina ang torneo na lalahukan ng siyam na bansa sa rehiyon at ilan pa sa Asya, USA at Australia.
Isasagawa ang torneo sa apat na venues– Magnus range at Clay shooting farm na kapwa matatagpuan sa Lipa, Batangas, sa Marines Shooting range sa Taguig at PNSA shooting range sa Muntinlupa City.
Bunsod ng kakulangan sa equipment, nagdesisyon ang PNSA na ipasa ang rifle event hosting sa Taiwan.
“We will use the SEASA event as our National Open Championships so we expect our competitive local shooters aside from members of the National team to participate and test their skills against some of the best in the region plus other countries like Japan, USA, China and Australia,” pahayag ni Garcia sa pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ sa PSC Conference Room, Manila.
Kasama niyang nagpaliwanag sa mga paghahanda at kaganapan sa mga programa ng PNSA sina National target clay shooter Cathy Levanza, SEAG gold medalist pistol shooter Elvie Baldivino, coach Julius Valdez at American coach Murad.
“We’re doing eliminations tournament since January to select the best athletes for SEASA this year and other international competition next year including the SEA Games in Bankok, Thailand,” dagdag ni Garcia sa weekly program na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine and Pocari Sweat.
Kinatigan ni coach Murad ang pahayag ni Garcia at iginiit na sa ilalim ng kanyang liderato, masinsin niyang inihahanda ang Pinoy pistol shooters para makabuo ng winnable team.
“Preparation is in place, every weekend we have an elimination event, best of the best,” sambi ni Morad na tinukoy si Franchete Shayne Quiros na pambato ng bansa sa kasalukuyan.
Ang 28-anyos na si Quiroz ang No.1 pistol shooter ngayon sa kababaihan at muntik nang mag-qualify sa Paris Olympics sa dalawang qualying event na nilahukan.
“She almost made it to Paris. But this coming SEASA, expect her to wow the crowd.”
Positibo si Garcia sa magiging laban ng Philippine Team habang patuloy ang mga programa ng PNSA na mapalawak at mapalakas ang grassroots sports development program para sa mga atleta at mga coach kabilang ang pagkuha ng dalawang foreign coach.