SC: RTC may kapangyarihan dinggin mga huling na kinikilala na sa ibang bansa

Ang Regional Trial Court o RTC ang may hurisdiksyon o kapangyarihan na dinggin ang will and testament o huling habilin na kinilala sa ilalim ng mga proseso sa ibang bansa, ayon sa Korte Suprema.

Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Jhosep Lopez, inutusan ng Korte Suprema ang RTC ng Cebu City na dinggin ang reprobate proceeding na inihain para kilalanin ang huling habilin ng isang yumaong Amerikana na nakatira sa Hawaii at may naiwang lupain sa Cebu City.

Iginiit ng Korte Suprema na iba ang probate proceeding sa reprobate proceeding. Sa probate, tinutukoy kung tama ba ang pagkakagawa at kung may bisa ba ang will huling habilin. Samantalang sa reprobate, tinutukoy kung may hurisdiksyon ang foreign court na kumilala sa huling habilin.

Paliwanag ng Korte na ang hurisdiksyon sa probate proceeding ay batay sa halaga ng estate. Kung ang halaga ay P2 million at pababa, sakop ito ng first-level courts, samantalang ang RTC ang may sakop kung mas mataas sa P2 million.

Kapag reprobate proceedings naman, ang RTC ang may sakop sa mga petisyon, anuman ang halaga ng estate, ayon sa Rule 77 ng Rules of Court.

Kaya sa kasong ito, ang RTC ang dapat duminig sa reprobate proceeding.