Alice Guo, hindi tatakbo sa 2025 elections

Hindi tatakbo sa 2025 elections si dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo, na nahaharap sa sa kasong graft, qualified human trafficking, money laundering, at tax evasion.

Ito ay kinumpirma niya noong Martes sa pagpapatuloy ng Senate probe sa POGO.

“Your Honor, sa ngayon, hindi po,” sinabi ni Guo kay Senador Jinggoy Estrada nang tanungin kung may plano siyang tumakbo bilang alkalde sa susunod na taon.

“Haharapin ko po muna ‘yong mga accusations po sa akin. Linisin ko po muna ‘yong sarili ko po. At para maging fair din po para sa mga constituents ko po na minamahal ko po,” dagdag pa niya.

Kung matatandaan, sa isang panayam binanggit ni Atty. Stephen David na maghahain ng kanyang certificate of candidacy para sa pagka-alkalde si Guo ngayong linggo.

Kasalukuyang nakakulong si Guo sa Pasig City Jail Female Dormitory.