PAOCC ikinatuwa ang pagatras ni Alice Guo sa halalan

Ikinatutuwa ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na hindi na tatakbo sa pagkaalkalde sa 2025 midterm elections ang natanggal na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.

“As far as were concerned, we’re happy for the fact that she didn’t file (her certificate of candidacy) because, at least, hindi na magbabago ang proseso natin,” sinabi ni PAOCC spokesperson Winston Casio sa isang panayam.

Aniya “101 percent sure” sila na si Guo, na nahaharap sa mga reklamong human trafficking, graft, money laundering, at tax evasion, ay hindi Pilipino.

“No foreign national must be allowed to take part in our electoral process,” dagdag niya.

Sa pagdinig ng Senado kahapon kaugnay sa isyu ng POGO, sinabi ni Guo na hindi na siya tatakbo sa darating na eleksyon  upang linisin ang kanyang pangalan sa gitna ng mga kasong isinampa laban sa kanya. (Larawan mula sa Senate PRIB)