Historic ang paglalaro ni Pilipino-Andorran basketball player Aaron Ganal sa ACB or Liga Endesa sa Spain.
Ang 20-anyos ang unang Pinoy sa Spain basketball league at naglalaro bilang miyembro ng MoraBanc Andorra team, nagtala ng 112-87 tagumpay laban sa Básquet Coruña Sabado ng gabi (Linggo sa Manila).
Kumana ang 6-foot-1 guard ng tatlong puntos sa halos isang minutong paglalaro matapos ang three out of four shooting sa free throw line.
Pumirma si Ganal ng isang taong kontrata sa MoraBanc Andorra noong Agosto 2022 pero hindi nakalaro sa ACB sa hindi binanggit na kadahilanan. Ngunit bumalik siya sa team para sa 2024 season.
Napasama siya noon sa youth basketball team ng FC Barcelona at inimbitahang sumali sa Under-16 national team pool ng Spain.
Naunang sinabi ng opisyal ng Gilas Pilipinas Youth Team na si Enzo Flojo, pinag-isipan ni Ganal maglaro para sa Philippine team ngunit hindi ito natuloy dahil kailangan niyang talikuran muna ang kanyang Andorran citizenship.
“Would’ve been terrific to see him part of the Batang Gilas pool, but getting a Philippine passport means he’d have to renounce his Andorran citizenship. Dual citizenship is forbidden in Andorran law,” paliwanag ni Flojo.
Ang ama ni Ganal na si Bhoyet ay ipinanganak at lumaki sa Ilocos at kinalaunan ay naglaro bilang naturalized player sa Andorran national basketball team.