Basher, kinasuhan ni Alex

May basher na idinemanda si Alex Gonzaga dahil sa mga pinagsasabi nito noong nakunan siya sa dapat sana’y magiging panganay nila ng mister na si Mikee Morada.

Ayon sa sikat na singer-actress-social media influencer, hindi lang daw para sa kanyang sarili ang pagsasampa niya ng kaso laban sa taong hindi niya pinangalanan kundi para sa lahat ng kababaihang nakararanas ng pangha-harass at pambu-bully.

“Hindi ako nasaktan personally. Pero tingin ko kailangang mag-stop ‘yung kapag sinasabihan kang baog. Sa gender, very sensitive na po tayo ngayon. Even sa body shaming.

“Pero bakit sa babae, kapag walang anak, bakit parang very loosely ginagamit ‘yung baog? We really have to be sensitive about it. Sa akin, kaya ko, puwede naman,” ani Alex.

“What if may mga taong very sensitive talaga sa kanila ‘yung ganu’ng issue? May mga ganu’n talaga akong kilala na they can’t even talk about it.

“Naisip ko, we have to be careful na gamitin ‘yung words na ‘yun sa mga kababaihan kasi maraming inner struggles ang mga babae na hindi natin alam.”

Pag-amin pa niya, “Meron akong nademanda riyan. Ngayon, maglalabas na siya ng statement niya. Hindi ito para sa akin na nasaktan ako, but because gusto kong maging conscious na tayo para lang hindi na dapat ginagamit ‘yung salitang baog, nalaglag.

“Sa digital world, sensitive na ang mga tao. Ayaw na natin ‘yung bullying. Itong parte na ito sa kababaihan, hindi pa masyadong nabibigyan ng pansin. Nung may nakita akong nagkomento na ganun, pinakausap ko sa lawyer.” 

Sa ngayon, naghihintay na lang si Alex sa paglalabas ng public apology ng taong kinasuhan niya.

 “Pinatawad po namin. Kailangan lang niyang maglabas ng apology. Pinapaayos namin ‘yung apology.”

Masaya namang ibinalita ni Alex na pwede na siyang mabuntis ulit.

“My last test, positive na po ‘yung katawan ko so any time puwede na po tayong mabuntis. Kasi tiningnan ‘yung blood. Ganun pala ‘yun. Right now, it’s positive, it’s 60 percent okay so any time na po,” esplika niya.