Sa Tahanang Walang Hagdan pinili ni Bea Alonzo na mag-celebrate ng kanyang 37th birthday.
Kasama ng aktres namahagi ng mga regalo at nagpasaya sa mga nasa TWH ang kanyang ina na si Mary Anne Ranollo.
Socmed post ni Bea, “Spreading joy where it matters most. An early birthday celebration at Tahanang Walang Hagdan, a day filled with laughter, love, and unforgettable moments.
“As you know, my mom`s condition has opened my eyes to the challenges faced by persons with disabilities. It`s a cause that resonates with me deeply. Celebrating my birthday at Tahanang Walang Hagdan didn`t just make my day special, it felt like we were able to share a slice of happiness with an incredible community.”
Hindi na nakakalakad ang ina ng aktres at inamin niya ito sa panayam ni Jessica Soho ilang taon na ang nakararaan. “Her legs ang thin, her lower body cannot support the weight of her upper body. Her knees broke down. It’s something I don’t want to happen to me.”
Ang kanyang Mommy Mary Anne din ang dahilan kaya’t naging mas health-conscious ang aktres simula nang tumuntong siya sa edad na 30.
Sinamahan din si Bea sa birthday celebration niya sa TWH ng kanyang co-stars sa Kapuso series na Widow’s War na sina Timmy Cruz at Jeric Gonzales, habang nagsilbing host ng event si Kakai Bautista.
Pinasalamatan naman ng celebrant sina Kakai, Jeric, Timmy, WW staff, at lahat ng sponsors sa masaya at makabuluhang birthday niya sa Tahanang Walang Hagdan.
Samantala, birthday wish ng fans at supporters ni Bea ay makatagpo na siya ng tunay na lalaking magmamahal sa kanya.