Natatandaan n’yo pa ba ang singer/actor na si Raymond Lauchengco na mas nakilala nang makapareha si Diamond Star Maricel Soriano sa Viva Films’ Saan Darating Ang Umaga?
Nakatakdang mag-celebrate ng kanyang 40th anniversary sa showbiz industry si Raymond sa pamamagitan ng isang concert, ang “Raymond Lauchengco: Just Got Lucky” na gaganapin sa The Theater Solaire sa Nobyembre 23, 8:00 p.m.
Ang kantang Just Got Lucky ay kabilang sa soundtrack ng iconic teen movie Bagets noong dekada ’80s na pinagbidahan nina Raymond, William Martinez, Herbert Bautista, JC Bonnin at Aga Muhlach.
Kabilang naman sa songs na pinasikat ni Raymond ay I Need You Back, Farewell, So, It’s You, at ang theme song ng Saan Darating ang Umaga? movie na likha ni George Canseco.
“Sa aking puso, ako ay 18 taong gulang pa rin na nagpupumilit magkaroon ng kahulugan ang buhay,” pahayag ng 59-year old singer na naging abala sa shows sa loob at labas ng bansa.
Ang darating na anniversary concert ay paraan upang magpasalamat aniya sa publiko na tumangkilik sa kanyang karera bilang singer at aktor, ayon pa kay Raymond, nakasama rin noon sa movie si Megastar Sharon Cuneta.
Samantala inamin ni Raymond naka-date niya before si Dawn Zulueta. “I wanted to date Sharon but that would never happen because you know baby brother, baby brother treatment sa akin ni Sharon.”
Nagka-crush din daw siya sa “Taray Queen” na si Maricel, pero after ng SDAU ay nawalan na sila ng kontak at hindi na nagkita pa.
Kaya isa lang daw talaga ang artistang nakarelasyon niya at ‘yun ay si Dawn, now Mrs. Anton Lagdameo.