Si Los Angeles Clippers guard James Harden na ang second place sa NBA’s all-time made 3-pointers list.
Naitala niya ang new career milestone sa first quarter ng game ng Clippers laban sa Utah Jazz sa Inglewood, California noong weekend.
Naipasok ni Harden ang three-pointer sa nalalabing 6:09 sa quarter para sa 2,974 na nag-break sa tabla kay Ray Allen sa no. 2 spot.
Si Golden State Warriors guard Stephen Curry pa rin ang una sa listahan sa kanyang total 3,782.
Si Harden ay may average 36.3 percent sa 3-point attempts sa higit 16 seasons niya sa NBA simula sa Oklahoma City Thunder (2009-12), Houston Rockets (2012-20), Brooklyn Nets (2020-2022), Philadelphia 76ers (2022-23) at ngayon sa Clippers.
Mayroon naman siyang averaged 24.1 points sa 1,085 career games simula nang ma-draft third overall noong 2009 ng Thunder mula sa Arizona State.
Sa laro ng LA at Utah, panalo ang Clippers, 116-105, sa Intuit Dome noong weekend.
“Unbelievable accomplishment,” sabi ni Harden. “Just a testament to the amount of work that I’ve been putting in. As I get older and just chip away at an unbelievable career, start to accomplish things like that. So I don’t ever want to take it for granted.
“I just want to give motivation to the youth and every other person that’s chasing a dream to play professional basketball or whatever it is. So it’s an honor.”
Tumapos siyang may 20 points, 2 of eight sa three, at 11 assists sa panalo kontra Jazz.
Sa tanong kung mahahabol niya ang record ni Curry, naging honest si Harden. “I probably won’t catch Steph. And I don’t think anybody will, honestly.”