Personal na tinanggap ni Nadine Lustre ang kanyang award bilang Movie Actress of the Year sa pelikukang Deleter, sa katatapos lang na PMPC 39th Star Awards For Movies na ginanap noong Linggo ng gabi sa Winford Resort and Casino.
Nagpasalamat ang aktres sa mga nakasama sa pelikula pero special mention niya ang Filipino French fiance na si Cristophe Bariou na kasama niyang dumating sa awards night.
Kamakailan lang humarap sa press people si Nadine para sa presscon ng pelikulang Uninvited, na isa siya sa mga bida kasama ang mga bigating artista na sina Vilma Santos at Aga Muhlach. Entry ito ng Mentorque Productions sa Metro Manila Film Festival na magsisimulang ipalabas sa December 25, 2024.
Masaya ang fans ni Nadine dahil visible na naman ang kanilang idolo na-miss nila dahil dati’y napanood nila sa teleserye, noong time na sikat na sikat ang tambalan nila ni James Reid na JaDine.
Ayon mismo sa aktres, wala siyang balak magbalik teleserye. Huling ginawa ni Nadie ay kapareha ang kalahati ng JaDine na si James, ang Till I Met You noong 2017.
“It’s different working on TV series just because you need more time, lots of time and a lot of attention to TV series. Sometimes it doesn’t really last for like three months lang,” katwiran ng aktres.
May mga negosyo rin kasing inaasikaso si Nadine kaya wala siyang time for teleserye. Pero kung meron daw siyang gustong balikan ito ay ang pagkanta. Sa susunod na taon balak niyang tutukan ito at maging ang paggawa ng bagong album.