Sina Christine Hallasgo at Army standout Richard Salaño ang tatakbo para sa Pilipinas sa 2025 Sydney Marathon.
Nakuha ng dalawa ang karangalan patungo sa Australian race matapos mamayagpag sa 42K event ng MILO Marathon National Finals sa huling leg sa Cagayan de Oro City.
Nadepensahan ng Southeast Asian (SEA) Games bronze medalist na si Hallasgo ang kanyang korona noong nakaraang taon nang makarating sa finish line sa 2:59:29 oras.
Pumangalawa sa kanya si Artjoy Torregosa ng Agusan del Norte (3:00:28) at pumangatlo si Maricar Camacho (03:08:21).
Unang beses naman naghari si Salaño sa MILO marathon matapos magsumite ng 02:26:29 oras.
Sumegunda sa kanya si SEA Games gold medalist Arlan Arbois Jr. (02:26:38) at tersera si Eduard Flores (02:27:34).
Nilahukan ang marathon ng mahigit 12,600 runners sa buong rehiyon.