Paglalaruin na ng Converge si Justine Baltazar, PBA 49th Season No. 1 overall pick ng team.
Inaasahang mas lalakas ang FiberXers roster sa ongoing Commissioner’s Cup sa pagdating ni Baltazar
Sariwa pa ang naturang player mula sa kanyang second MPBL crown kasama ang Pampanga Giant Lanterns, winalis ang
Quezon Huskers sa finals.
Samantala sa pag-entra ni Baltazar ay mare-relagate si Kamron Vigan-Fleming sa injured/reserve list.
Sa kasalukuyan ang Converge ay may 2-1 win-loss matapos ang close 93-91 win nito sa Magnolia noong December 1.
Isa ang Converge sa mga koponan sa liga nakapagpahinga ng mahaba-haba at ang pagdagdag kay Baltazar ay sinasabi ng mga league analyst makatutulong ng malaki sa Commissioners’ Cup campaign ng FiberXers.
Si Baltazar ay may averaged 15.7 points, 16.1 rebounds, 5.8 assists, 1.2 steals at 1.2 blocks sa final season niya sa Giant Lanterns kung saan tinuhog niya ang Season at Finals MVP awards. (Ann Encarnacion)