BI inaasahan ang 110K biyahero ngayong kapaskuhan

Inaasahan ng Bureau of Immigration (BI) ang higit sa 110,000 na biyahero ngayong kapaskuhan, sinabi ni Commissioner Joel Anthony Viado

Ayon kay Viado, noong nakaraang taon, ang average na bilang ng mga dumating sa bansa tuwing Pasko ay higit sa 53,000, habang ang average na bilang ng mga umalis ay nasa 43,000.

“We are expecting the numbers to further increase this year, and we believe that it will now exceed pre-pandemic numbers,” aniya.

Bago ang pandemya, naitala ng BI ang average na 55,000 na dumadating kada araw noong buwan ng Disyembre. Nakapagtala din sila ng average na 47,000 na umaalis noong Disyembre 2019.

Tiniyak ni Viado sa publiko na nakahanda ang ahensya upang masiguro ang maayos na operasyon ngayong kapaskuhan.

“We have ramped up our operations at major international airports, with additional personnel to maintain a smooth flow of passengers. Our team is closely monitoring our operations,” dagdag pa niya.