Anak ni Nadia, ‘di alam itatawag kay Baron

Bumisita ang mag-inang Nadia Montenegro at Sophia Asistio sa Lutong Bahay show hosted by Mikee Quintos at napagusapan ang tungkol sa ama ni Sophia na si Baron Geisler.

Pagtatapat ni Nadia, sinabi niya kay Sophia na tunay nitong ama si Baron noong 16-anyos na ang anak. Alam din umano ng kanyang yumaong partner na si Boy Asistio at mga kapatid na dalaga ang tungkol dito.

“She knew inside, pero she confronted me when she was 16. I didn’t find any reason naman to parang idutdut pa ‘yung truth kung nakikita ko naman okay naman kami. She’s in contact with her dad,” pagbabahagi pa ni Nadia.

Para naman sa bunsong anak nito na si Sophia, wala siyang balak palitan ang surname na Asistio to Geisler.

 “When I see comments na parang, ‘Bakit ganito ‘yung apelyido mo?’ Ngayon ko lang sasagutin, I’m very proud sa apelyido na meron ako ngayon. I take pride and kung hindi ko siya kailangan palitan, hindi ko  papalitan ‘yung apelyido ko, hindi talaga.”

Samantala, kahit ngayong nagkikita at nagkakausap sila ni Baron ay hindi pa rin alam ni Sophia kung ano ang itatawag sa aktor.

 “When I talk to him, I just say po, ganu’n lang. I’ve been trying to respect pero there’s still boundaries because I’ve tried na din, parang second chance na lang din ‘to.”

Okay naman daw sa kanya na magtuluy-tuloy ang communication nila ni Baron.

 “Siyempre hindi ko rin ika-cut off ‘yung ganung opportunity, baka may mahanap ako sa sarili ko na mas makabubuti pala sa akin. Baka mas mag-grow ako as a person, if may nakita akong, ‘Uy may similarities pala kami,’” sabi pa ni Sophia.