Inanunsiyo ni Meggie Ochoa sa kanyang IG account ang pagreretiro mula sa Philippine jiu-jitsu national team.
Si Ochoa ay two-time world champion, Asian gold medalist at multiple SEA Games medallist.
Inaasahang magpapatuloy pa rin siya sa sports bilang mentor ng mga kabataan at kababaihan.
Sa nakaraang JJIF Ju-Jitsu World Championships huli siyang sumabak bilang national athlete at coach para sa youth team.
Si Ochoa ay nakapasa sa kursong OCA-JJAU Coaches and Referees Development Program noong nakaraang buwan sa Abu Dhabi, UAE.