Inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) nitong Biyernes ang pagsasampa ng kasong qualified trafficking in persons laban kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at ilan pang personalidad.
Bukod kay Guo, inirerekomenda rin na kasuhan sina Lin Baoying, Zhang Ruijin at Huang Zhiyang.
“Sa simpleng sabi na lang, ang hatol sa preliminary investigation laban kay Mayor Guo ay may finding… may prima facie evidence for qualified traffiking in persons, at may lumabas na information at ifa-file namin next week sa korte ang information na ito,” sinabi ni Undersecretary Nicholas Felix Ty sa isang presser.
Dagdag pa niya, “Naka kumplikado ng kaso na ‘to. At kung makikita ninyo, napakakapal ng resolution at napakadaming detalye.”
Ani Ty, nakakita ang DOJ panel of prosecutors ng probable cause laban kay Guo, binanggit ang probisyon Expanded Anti-Trafficking in Persons Act.
“Yung Section 4(l), specifically organizing an establisbhment that’s engaged in human tarfficking, doon talaga nadawit si Mayor Guo at mga ibang co-respondent niya” ayon sa kanya.
“Kung maipakita na ikaw ang nag organize ng isang negosyo, na maraming ganap na human trafficking, maaari kang kasuhan, at yun ang nangyari [sa kanila]”
Si Guo ay nahaharap din sa kasong graft at reklamong money laundering.