Binuksan na ng Bureau of Immigration (BI) ang bagong OFW wing sa NAIA Terminal 3 para mapabilis ang immigration process ng mga Pilipinong manggagawang pa-abroad.
Ayon kay BI Commissioner Joel Viado, layunin ng bagong pasilidad na bawasan ang pila at gawing mas maginhawa ang biyahe ng mga OFW, lalo na ngayong peak travel season.
May dagdag na anim na counters at 12 immigration officers ang bagong wing. Araw-araw, higit 3,400 OFWs ang umaalis sa NAIA, kaya malaking tulong ang espesyal na linya para sa kanila.
“This dedicated OFW wing is a testament to our commitment to making immigration procedures smoother and more efficient for our modern-day heroes,” ani Viado.
“We recognize their sacrifices, and we want to ensure they experience faster and more convenient processing as they leave for work abroad.”
Ayon sa BI, mahigit 3,400 OFWs ang umaalis araw-araw mula sa NAIA, kaya’t kinakailangan ang mga espesyal na linya para sa eksklusibong immigration formalities ng mga OFW.