Maraming celebrities ang tumutulong sa mga nabiktima ng bagyong Kristine.
Magdo-donate ang BINI ng P1 million para sa mga nasalanta ng bagyo. Ito ay magmumula sa proceeds ng kanilang BINIverse concert next month.
Maraming probinsiya ang hinagupit ng bagyo kabilang ang Camarines Sur, Bicol, Batangas, at Pangasinan. Kaya desidido ang girls group BINI makatulong sa mga kababayang nabiktima ng bagyong Kristine.
Maging ang boys group SB19 ay nagpahayag din na sila ay tutulong at sila mismo ang dadayo at mamahagi sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.
Sa kanilang social media account ay inanunsiyo ng A’TIN na tumatanggap sila ng in-kind donations October 26-27 sa Araneta Coliseum (Yellow Gate).
“Our thoughts and prayers are with those affected by the typhoon and flooding,” ayon pa sa SB19’s official Instagram.