Open na si Coco Martin sa relasyon nila ni Julia Montes.
Ipinagmalaki pa ng 43-anyos na aktor kung gaano kalalim ang relasyon nila ng 29-anyos na aktres.
“Hindi ako maligaya pag hindi kami magkasama,” wika ng aktor. “Masaya kasi yung mga pangarap namin sa buhay dahil dahan-dahan, paunti-unti nakakamit namin na magkasama kami at nagtutulungan. Iba yung pakiramdam na alam mo na meron kang partner na alam mong sinusuportahan, inaalagaan ka.”
Dagdag ng Batang Quiapo actor-director, “Almost every night at sa umaga pagkagising ko, ‘pag may naiisip ako na idea sasabihin ko sa kanya, magkakape kami, magkukuwento ako sa kanya. Minsan ‘pag gabi, talagang dadaldalin ko yan…
“‘Pag may pictorial, ipapakita ko kagaad sa kanya, ipagyayabang ko… Talagang all details kinukuwento ko sa kanya.Masarap na sini-share mo sa partner mo kung anong nangyayari sa buhay mo.”
Hindi man daw sila laging nagkakasama, gusto niya na lahat ay kinukwento sa aktres ang nangyayari sa kanya sa buong maghapon, paglalahad ni Coco sa joint interview ng celebrity couple na na-capture ng kanilang fans sa TikTok account na @thecocojularchive.
Ayon pa kay Coco, sa buhay kailangan ang hinahanap ay partner sa lahat ng ginagawa.
“Kung meron akong pupuntahan, parang feeling ko hindi ako maligaya ‘pag hindi kami magkasama. Para bang may nami-miss ka gawin na sana kasama ko si Julia. Kung nandito ako [sa ibang lugar], ‘sana magkasama kami, sana nakikita niya rin to.’ Which is hindi madali. Matagal na proseso.”
Importante raw nagkakaroon sila ng oras ni Julia para sa isa’t isa kahit pa dirediretso ang taping niya sa long-running series ng ABS-CBN na FPJ’s Batang Quiapo.
At dahil alam na ng publiko ang relasyon nila, mas nagagawa na nina Coco at Julia mag-out of the country or out of town kapag may free time sila.