Naglabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) laban sa pagpapatupad ng mga resolution ng Commission on Elections (COMELEC) na nagdiskwalipika kina Mandaue City Mayor Jonas Cortes at Cebu City Mayor Michael Rama sa pagtakbo sa halalan nitong 2025 dahil sa kanilang pagkakatanggal sa pwesto sa utos ng Ombudsman.
Ang kanilang pagkatanggal ay may kasamang accessory penalty na perpetual disqualification to hold public office, pero iginigiit ng tatlo na hindi pa ito pinal.
Binigyan ng Korte ang COMELEC ng 10 araw para magkomento sa mga petisyon na inihain nina Cortes, Rosal at Rama. Iniutos din ng Korte ang pag-consolidate sa mga nasabing kaso.
Samantala, sa hiwalay na kaso, kinatigan ng Korte Suprema ang pagkakadiskwalipika nina Noel Rosal bilang Governor ng Albay, Carmen Geraldine Rosal bilang Mayor ng Legazpi City, at Jose Alfonso Barizo bilang konsehal ng Legazpi City sa lokal at pambansang halalan noong 2022.
Ang tatlong opisyal ay nauna nang nadiskwalipika ng COMELEC dahil sa paglabag sa Omnibus Election Code kaugnay sa disbursement at release ng pondo ng pamahalaan sa loob ng prohibited period bago ang regular na halalan.