Marami ang kinilig sa tambalan nina Fyang Smith, 18, at JM Ibarra, 23, na magkasamang nanood ng concert ni TJ Monterde sa Araneta Coliseum.
Si Fyang ang Big Winner ng Pinoy Big Brother: Gen 11 (2024), habang si JM ay isa ring housemate mula sa parehong edition. Sa panayam ng PEP.ph, tinanong si Fyang tungkol sa estado ng relasyon nila ni JM.
“Si JM, pinapahalagahan namin ang isa’t isa,” sagot niya. Nilinaw rin niyang mas gusto niya ang loveteam nila ni JM kaysa sa tambalang JarFyang kasama si Jarren Garcia.
Sa media launch ng The I Phone Store in Cebu noong Marso 12, 2025, naikuwento ni Fyang ang tungkol sa isang basher sa TikTok na nagpapakalat ng fake news at idinadawit pati pamilya niya at si JM. Pinag-iisipan niyang magsampa ng legal action ngunit nananatiling positibo sa mga negatibong komento.
“Tine-take ko na lang as compliment,” ani Fyang.
Bilang PBB winner, ibinahagi ni Fyang ang pananaw niya sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition at sinabing malaki ang tsansa ni Esnyr at Ivana Alawi na manalo. Ikinatuwa rin niyang isa siya sa paboritong collab ni Ivana.
Nominado si Fyang bilang Best New Female TV Personality sa 38th Star Awards for TV.
“Di ko nakikita ang sarili ko na famous… I think hina-handle ko siya na binabalik ko sa kanila yung binibigay nilang support sa akin.” (pep.ph)