Fyang Smith, winner sa PBB Gen 11

Tinanghal na grand winner ng Pinoy Big Brother House Gen 11 si Fyang Smith noong Sabado ng gabi.

Halos umabot ng 14 linggo na tumira sa Bahay ni Kuya si Fyang at iba pang housemates ngunit sa huli ay siya ang nakakuha ng boto ng madlang pipol.

Nakakuha ang bagong reyna ng PBB ng kabuuang 30.66 porsiyento ng mga boto na nagresulta upang maging instant millionaire siya matapos maguwi ng P1 million cash at new house & lot.

“Gusto kong pasalamatan ang lahat ng sumuporta sa akin mula noong Day 1. Ginawa ko ito… Mahal na mahal ko kayo,” enosyunal na pahayag ni Fyang.

Si Rain Celmar ang second placer (26.05% votes) with P500,000 prize money; Kolette Madelo, 3rd (25.91% votes), P300,000; at Kai Manitola, 4th (17.38% votes), P200,000. 

Maliban sa mga nabanggit na premyo,  may roundtrip tour package sa South Korea din ang limang PBB Gen 11 top 5.

Samantala, nakapagtala ng record na mahigit 1.8 million live views sa digital platforms ng ABS-CBN ang katatapos na Pinoy Big Brother House Gen 11 grand reveal.