Gilas kasado na sa 2025 Asia Cup

Pasok na ang Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup sa susunod na taon.

Naselyuhan ang slot ng Gilas sa 2025 Asia Cup matapos magwagi ang New Zealand kontra Chinese Taipei, 81-64, sa kanilang qualifiers match noong Lunes.

Dahil sa panalo ng Tall Blacks, ang Pilipinas na may imakuladang 4-0 card sa Group B ay awtomatikong nakakuha ng slot sa torneo sa Jeddah, Saudi Arabia sa susunod na taon.

Nanguna para sa New Zealand si dating Converge import Thomas Vodanovich, nagsalansan ng 11 points, five rebounds at twos steals habang si Corey Webster ay nagpasabog ng 25 points laban sa Gilas ay nagdagdag ng nine markers.

Gaya sa first window, winalis din ng mga Pinoy ang two games nila laban naman sa New Zealand at Hongkong.

Sa kabila nito, kinailangan hintayin ng Gilas kung alin team ang mananalo sa pagitan ng New Zealand at Chinese Taipei.

At dahil panalo ang Tall Blacks, nakakuha ng outright qualification ang Gilas Pilipinas sa third and final window sa February 2025.