“Hindi kami naging magkaibigan.”
Ito ang pag amin ni Vice President Sara Duterte nang tanungin kung kamusta ang relasyon nito kay Pangulong Bongbong Marcos.
Sa isang ambush interview ng mga House reporters kay VP Sara nang dumalo ito sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability sinabi nito na simula lamang silang nagkausap ni Pangulong Marcos nang maging runningmates na sa nakalipas na eleksyon subalit bago ito ay hindi sila nag-uusap at hindi rin maituturing na magkaibigan.
“Hindi naman kasi kami talaga nagkausap niyan. Hindi kami magkaibigan. Nagkakilala lang kami dahil naging running-mate kami. Bago pa man kami naging running-mate, hindi na kami nag-uusap. Nag-uusap lang kami during campaign at dahil sa trabaho noon.
Ani VP Sara ang talagang kaibigan nya ay si Senator Imee Marcos na kilala sya noon pang taong 2012.
Ang Marcos-Duterte tandem na tinuring na Uniteam ang syang nagwagi noong nakaraang eleksyon kung saan 31 million boto ang nakuha ni Pangulong Marcos habang 32 million naman si Duterte.
Si Duterte ay itinalaga bilang kalihim ng Department of Education subalit kalaunan ay nagbitiw.