Jonvic: ‘Still getting my feet wet’

Maraming natutunan si dating Cavite Governor Jonvic Remulla bilang bagong kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

“I’m still getting my feet wet,” ani Jonvic sa panayam ng mga mamamahayag nitong Biyernes.

Sa kasalukuyan, nakikipagkoordinasyon ang bagong hepe ng DILG kay Benhur Abalos Jr., na nagbitiw sa puwesto upang tumakbo sa Senado sa darating na 2025 elections.

“Siyempre, siya ang nag-a-advise sa akin,” dagdag niya.

Si Jonvic ay nakababatang kapatid ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.