K-drama heartthrob, K-pop artists susugod sa Pilipinas 

Darating ang ilang South Korean artists sa bansa ngayong November upang pasayahin ang kanilang Pinoy fans.

Ang aktor na si Choi Jin-hyuk, bumida sa fantasy-romance drama “Miss Night and Day,” ay mapapanood ng kanyang local supporters sa New Frontier Theater sa November 9 para sa “Day and Night” fan concert.

Balik concert scene din ang K-pop sensation 2NE1, na kinabibilangan ni former Philippine-based celebrity Sandara Park, sa Mall of Asia Arena para sa kanilang “Welcome Back” reunion concert sa November 16 at 17.

Sa November 23 naman ang “DominATE” tour ng Stray Kids sa Philippine Arena. Halos isang taon na rin nang mapanood ng Pinoy fans ang eight-member boy group, na may limang No. 1 albums sa Billboard 200 album chart, sa nasabi rin venue para naman sa Asia Artist Awards.

Maliban sa Stray Kids, November 23 din ang “Beyond the Door” fan concert sa New Frontier Theater ni EXO’s Chen.

Last but not the least, si Taemin ng sikat na SHINee at kilala sa kanyang charisma and performance skills, mapapanood naman sa “Ephemeral Gaze” concert sa Araneta Coliseum sa November 24.