Ken Chan nanawagan sa publiko

Nanawagan si Ken Chan sa publiko na mag-ingat sa isang taong gumagamit ng kanyang pangalan, larawan at nanghihingi ng pera.

“Hello everyone, if you ever received a message from this telegram account, please ignore and report it because he is using my name to ask for money from my family and friends,” aniya.

Ibinahagi pa ng aktor ang screenshot ng mensaheng natanggap niya mula sa isang taong ginamit ang pangalan niya at pati ni Boss Vic del Rosario, producer ng Viva Films at COO ng Viva Entertainment.

Kaugnay nito ay hiningi ni Ken ang tulong ng mga tao na isumbong sa kinauukulan ang gumagamit sa pangalan niya at ni Boss Vic.

“Even Boss Vic Del Rosario of Viva Films dinamay din! Please help me to report this,” apela ng actor-singer sa Facebook.