Idineklara ng Korte Suprema na ang mga indibidwal na marka sa Bar Examinations ng mga examinee ay hindi maaaring ibunyag nang walang paunang pahintulot mula sa mga examinee dahil ito ay sensitibo at personal na impormasyon sa ilalim ng Data Privacy Act.
Sa Bar Matter No. 4968, inaprubahan ng En Banc ng Korte Suprema ang Guidelines on Requests for Disclosure of A Law School’s Bar Examinations Performance.
Ayon sa Guidelines, maaaring aprubahan ng Korte Suprema ang mga hiling mula sa mga law school para sa mga marka ng Bar Exam, basta’t ang mga markang ito ay pinagsama-sama, na-average, o hindi nagpapakilala at hindi nakikilala ang sinumang indibidwal na kumukuha ng Bar Exam.
Ang mga hiling mula sa mga law school ay dapat pirmado ng dean o ng katumbas na opisyal, at dapat magsaad ng isang lehitimong layunin, tulad ng pagrepaso at pagpapabuti ng mga programa sa law degree at pagpapahusay sa performance sa mga susunod na mga Bar Exam.
Ang Office of the Bar Confidant ay ang opisina na inatasang magrepaso at tumugon sa mga naturang hiling.