Mapua at Letran tabla sa 2nd spot

Parehong may 5-2 win-loss at tabla na ang Mapua at Letran sa ongoing NCAA Season 100.

Naging impresibo si Clint Escamis at tinulungan ang Mapua University talunin ang Jose Rizal University, 88-81, Linggo sa Filoil EcoOil Centre.

Sinimulan ng reigning MVP at tinapos ng kanyang teammatea ang laban ‘down the stretch’ upang magawa ng Cardinals ang kanilang trabaho.

Ngayon ay pareho ng bilang ng mga panalo at talo at joint second na ang Mapua at Letran sa team standings, habang ang Heavy Bombers ay dumausdos sa 2-5 kartada.