Marco palaban sa BF ni Yassi

Sumabak na rin sa politika ang actor na si Marco Gumabao.

Kasama ang actress-girlfriend na si Cristine Reyes, nag-file ang aktor ng cerificate of candidacy bilang representative ng 4th District ng Camarines Sur noong nakaraang linggo.

 “Today marks a new journey. Para sakin, simula ‘to ng isang malaking yugto sa aking buhay. Panibagong simula na sigurado ako makakagawa ng malaking epekto hindi lang para sa sarili ko, kundi sa buong 4th district ng CamSur,” post ni Marco sa IG. 

“Buo ang loob ko na lumaban para sa pagbabagong matagal nang inaasam, pagbabagong matagal na dapat pinaramdam sa Partido. As a Christian, I believe that we are called in this world to be of service to others and not to be served. Mark 10:45.

“Ako po si Marco Imperial Gumabao at sisiguraduhin ko na ang serbisyo ang laging mangingibabaw,” sabi pa ng aktor.

Ang CamSur ay balwarte ng boyfriend ng aktres na si Yassi Pressman na si Gov. Luigi Villafuerte, kaya inaasahan ang masaya at makulay na kampanyahan sa nasabing lugar.