Meralco lagot sa Ginebra

Tuluyang lalagutin ng Barangay Ginebra Gin Kings ang pag-asa ng Meralco Bolts mapahaba pa ang kanilang PBA Governors’ Cup best-of-five quarterfinal series ngayong Lunes sa Ninoy Aquino Aquino Stadium.

Sa ngayon ay 2-0 na ang serye pabor sa Ginebra kaya isang panalo na lang ang kailangan nito patungo sa semifinals ng Governors’ Cup.

Muling sinagip ni Justin Brownlee ang Gin Kings nang maipasok ang game-winning 3-pointer tungo sa 104-103 win noong Sabado sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.

Muling ipinakita ng Gilas Pilipinas naturalized player kung bakit mahal siya ng Barangay sa kanyang big defensive stop at biggest shot of the night sa Game 2.

Kumana si Brownlee ng impresibong 39 points, seven rebounds,  five assists, three blocks at steal tungo sa pagbigo sa Meralco.

Papaubos na ang oras at lamang ang Bolts, 103-101, nang tumira si Allen Durham, ngunit na-block siya ni Brownlee. 

Nakuha pa rin ng Ginebra resident import ang rebound, dinribol ang bola sa harap ni Durham at sa nalalabing 12 segundo ay nag-step back at ipinukol ang 3-pointer na pumasok at nagbigay sa Gin Kings ng one-point lead, 104-103.

Sinubukan pa ni Cliff Hodge sagipin ang Meralco ngunit nagmintis siya, maging ang last-second shot ng Bolts reinforcement.

Nagambag si Scottie Thompson ng 19 points, six rebounds at three assists para sa Ginebra, habang si Maverick Ahanmisi ay may 15, at sina RJ Abarrientos at Japeth Aguilar ay may tig-11 points.

Para sa Meralco, nanguna si Durham na may double-double 39 points at 14 rebounds, at si Chris Newsome ay nagsalansan ng 23 points, four rebounds at three assists.