Dinaig ng Meralco ang South Korea’s Busan, habang bigo ang San Miguel sa Taiwan’s Taoyuan sa East Asia Super League, Miyerkoles sa Philsport Arena.
Tinalo ng Bolts ang KCC Egis sa iskor na 81-80 upang magimprub sa 2-1 sa Group B standings, habang ang Busan ay sumadsad sa 0-2.
Iwan ang Bolts, 72-63, sa fourth period bago unti-unting lumapit at naibaba ito sa tatlong puntos, 80-77.
Isang minuto na lang ay nakakonekta si Bong Quinto from beyond the arc at naitabla ang iskor. Na-split naman ni Meralco reinforcement Akil Mitchell ang two free throws na nagselyo sa panalo ng Bolts.
Sa kanyang debut game sa Meralco si Mitchell ay kumamada ng 33 points at 22 rebounds, ang kapwa import na si DJ Kennedy ay may 14 points at sina Quinto, Chris Newsome at Ange Kouame ay may nagdagdag ng tig-eight points.
Nanguna sa Busan si Deonte Burton na may 26 points.
Nauna rito, nilasing ang San Miguel Beermen ng Taiwan’s Taoyuan Pauian Pilots, 101-85.
Kumana si SMB’s Quincy Miller ng 32 points, habang si Don Trollano ay nagambag ng 11 points sa Beermen loss na nahulog sa 0-2 karta sa Group A.
Nagtulong-tulong sina Alec Brown, 27 points, at Treveon Graham at Lu Chun-Hsiang, kapwa may tig-25 points para sa Taoyuan, nanatiling perpekto sa 2-0.