NCAA Games kanselado

Kinansel ang NCAA games kahapon (Miyerkoles) dahil sa tropical storm Kristine.

Inanunsiyo ni NCAA Management Committee chairman Hercules Callanta ang kanselasyon ng mga laro Martes ng gabi kasunod ang class suspensions sa Metro Manila at mga kalapit probinsya.

Kabilang sa hindi natuloy ay games sa pagitan ng league-leading De La Salle-College of Saint Benilde at Lyceum of the Philippines University, at Emilio Aguinaldo College at Jose Rizal University.

Target ng Blazers ituloy ang four-game winning streak nito habang ‘nabunutan ng tinik’ ang Pirates na lalaro sana minus JM Bravo at team captain Greg Cunanan.

Asam naman ng Generals na lalong ibaon ang Heavy Bombers na may four-game losing streak.

Iaanunsiyo ng liga sa mga darating na araw ang bagong schedule para sa mga naapektuhan ng games suspension, ayon kay Callanta.