Neri Naig isinugod sa ospital

Dinala sa ospital ang actress at businesswoman na si Neri Naig-Miranda makaraang arestuhin at ikulong dahil sa kasong syndicated estafa at violations of the Securities Regulation Code.

Ngunit ipinagutos ng RTC Branch 112 sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na ilipat ang misis ni Parokya ni Edgar lead singer Chito Miranda sa ospital “for medical evaluation.” 

Ipinahayag ni BJMP spokesperson Jail Supt. Jayrex Bustinera, hindi lalampas sa limang araw ang pananatili sa ospital ni Neri at ibabalik din siya sa kulungan.

Tiniyak ng jail official na maayos ang kalusugan ng aktres bago siya napiit at “standard procedure” ang kanyang pagkakaospital.

Binanggit din ni Bustinera ang hospitalization ni Neri ay base sa kahilingan ng kanyang lawyer.

Nahuli ang actress-businesswoman sa convention center sa isang mall sa Pasay City noong November 23 base sa warrant of arrest for 14 counts of violation of the Securities Regulation Code na may P126,000 bail for each count, ayon sa Southern Police District.

Non-bailable offense naman ang syndicated estafa charge laban sa kanya kaya ikinulong siya sa Pasay City Jail female dormitory. 

Iginiit ng Parokya ni Edgar frontman, endorser lang ang kanyang misis ng Dermacare-Beyond Skin Care Ventures, na nagbebenta ng franchise partnership deal at nangangako ng guaranteed return of 12.6% interest per quarter sa loob ng limang taon.

“Ginamit yung face nya to get investors,” ani Chito. “Kinasuhan sya ng mga nabiktima. Tapos last week, bigla na lang syang inaresto for the same case kahit hindi pa sya binigyan ng notice na may bagong criminal complaint pala laban sa kanya, and ‘di nya na-defend yung sarili nya.”