Obiena makakabalik na!

Magaling na ang back injury ni EJ Obiena kaya magbabalik aksyon na siya simula Enero 2025. 

Magugunitang napaikli ang 2024 campaign niya dahil sa naranasang injury.

Ayon sa Pinoy pole vault star, nakuha niya ang lower back injury sa Silesia leg ng Diamond League kung saan tumapos lang siyang 5th noong August.

Ngunit makaraan ang ilang buwan na gamutan at pamamahinga sa kompetisyon, binigyan si Obiena ng clearance ng doctor para muling sumabak sa aksyon.

“I’m officially cleared… and have fully recovered from my lower back injury. Thank you to everyone who supported me during this journey,” ani Obiena sa kanyang Instagram post.

“I have been MIA here because I have been focusing myself on getting back into shape and be ready by January! Here’s to the start of 2025 season!!!”

Inaasahang muling magiging aktibo ang 28-anyos na pole vaulter sa international tournaments kabilang ang 2025 Southeast Asian Games kung saan siya ang reigning three-time champion.

Tiyak din matutuloy na ang Manila meet ni Obiena na-postpone noong September 20 dahil sa kanyang injury.