Ogie Alcasid masaya na engaged na si Leila

Masaya si Ogie Alcasid na enagaged na ang kanyang anak na si Leila sa longtime boyfriend nitong si Curtismith.

Ang magandang balita ay in-announce ni Leila sa kanyang Instagram account together with photos of her engagement ring. Caption niya, “the most special anniversary gift.”

Nagpahayag naman ng pagbati ang singer-songwriter sa recent happening sa buhay pag-ibig ng kanyang panganay kay former beauty queen/wife Michelle Van Eimeren.

“The Lord bless you both. I am truly beyond happy for you two. Love you! Congratulations!”

Sagot ng kanyang soon-to-be son-in-law, “@olgiealcasid thanks so much tito. Love you!!”

Marami pang celebrities ang nag-congratulate sa newly engaged couple, among them were Nadine Lustre and Gabbi Garcia.

“CONGRATULATIONS!” Mula kay Nadine.

“Omggg! IM SO HAPPY FOR YOU GUYS!!!! You truly deserve each other. Congratulations!” Sabi naman ni Gabbi.

Iba pang celebrities na nagpadala congratulatory notes ay sina Darren Espanto, Iza Calzado, Chie Filomeno at Dani Barretto.

Sa mga hindi nakaaalam, si Mito Fabie or Curtismith ay isang Filipino indie singer, rapper at songwriter.