Ibinida ni House Speaker Martin Romualdez ang unti unti nang pagbaba ng presyo ng bigas sa lokal na pamilihan kung saan ilan sa magagandang klase ng bigas ay mabibili na lamang sa P42 kada kilo.
Ang pahayag ay ginawa ni Romualdez kasunud ng ginawa nyang pagbisita sa Guadalupe Market sa Makati City, Nepa-Q Mart at Farmers Market sa Quezon City.
Sinabi ni Romualdez mula nang ipatupad noong July 5, 2024 ang Executive Order (EO) 62 o ang pagbaba ng ipinapataw na taripa sa 15% mula sa 35% ay nagresulta na ito sa pagbaba ng presyo ng bigas.
“Nakita natin may 45 pesos kada kilo, meron ding 42 pesos for broken rice, yung well-milled 45 pesos. At yun talaga ang gusto nating makita, na pababa nang pababa. On behalf of the House of Representatives, we welcome this positive development. This is truly in line with the Marcos administration’s commitment to ensuring that food, particularly rice, remains affordable and accessible for all Filipinos,” paliwanag ni Romualdez.
Batay sa monitoring ng Department of Agriculture ang average retail price ng mga bigas noong nakaraang Linggo ay nasa P47 hanggang P51 kada kilo.
Tiniyak ni Romualdez na ang pagbaba ng presyo ng bigas ay magtutuloy tuloy na hanggang sa pagpasok ng Kapaskuhan.
Samantala, sinabi ni Romualdez na hindi lamang ang pagbaba ng presyo ng bigas sa merkado ang tinututukan ng Marcos administration subalit tiunutugunan din ang ang mismong ugat ng problema, kabilang na dito ang paglatag ng solusyon para sa pagtaas ng domestic rice production, pagsasasaayos ng import regulations at paghabol sa mga sangkot sa illegal trade practices.
“President Ferdinand Marcos Jr. has made it clear that food security is a top priority for his administration. This is not just about lowering prices temporarily, but about ensuring a sustainable supply chain that benefits both consumers and farmers,” pagtatapos pa ni Romualdez. (Photo courtesy of Department of Agriculture)