Paul Salas masaya para sa kanyang ama

Feeling blessed ang aktor na si Paul Salas na masaksihan ang pagpapakasal ng kanyang ama na si Jim Salas.

Ibinalandra ni Paul sa socmed ang mga litrato mula sa ceremony ng kasal ng amang dating miyembro ng Universal Motion Dancers at partner nitong si Ai.

“Better late than never ika nga nila!” sabi ni Paul sa kanyang caption. “Bihirang ma-experience ng isang anak ang kasal ng magulang nila. Blessed to have witnessed this moment. Thank you, Jesus! To Mr. and Mrs. Salas, Mabuhay ang bagong kasal!”

Hiwalay na si Jim sa dati niyang misis na si Michelle Solinap at inamin ni Paul na-trauma siya sa separation ng kanyang mga magulang.

Ngunit malaki aniya ang naitulong ng gf-actress na si Mikee Quintos para malampasan niya ang trauma at ngayon ay mas masaya siya dahil nakatagpo ng bagong minamahal ang kanyang amang si Jim.