Nakapagtala ng kasaysayan ang Philippine Volcanoes men’s at women’s rugby teams sa pagwawagi sa dalawang gintong medalya sa Asia Rugby Emirates Sevens Trophy tournament sa Nepal.
Nagpamalas ang men’s squad ng pambihirang bilis, liksi, at taktika na nagtulak sa kanila sa finals laban sa Chinese Taipei.
At sa pagtutulungan ng Volcanoes, nakapagtala sila ng 27 – 12 iskor at tuluyang sinikwat ang gintong medalya.
Halos total domination naman ang ipinalasap ng national women’s team sa mga nakatunggali nito papasok sa final round.
Sa huling laban, nakatapat nila ang matatangkad na players ng India na humamon sa kanilang kakayanan at pasensiya.
Ngunit sa pamamagitan ng huling minutong penalty award, nanaig ang mga Pinay sa iskor na 7 – 5 para sa well-deserved gold.
“We are immensely proud of both our women’s and men’s teams for their performances and dedication,” sabi ni Ada Milby, president ng Philippine Rugby.
“Winning double gold at the Asia Rugby Emirates Sevens Trophy is a historic achievement for Philippine Rugby, and it reflects the hard work of the athletes, coaches, and support staff to make it happen. We are excited to see the continued growth and success of rugby in the Philippines.”
Itinuturing na milestone sa Philippine Rugby ang Nepal tourney at ang tagumpay dito ay nagpapakita ng pag-level up ng women’ team na pinamumunuan ni coach Samantha Scott, at sa men’s team si coach Darryl Suasua.