Nakatakdang kalabanin ng Philippine Men’s National Football Team ang Tajikistan ngayon (October 14) para sa third place sa King’s Cup tournament sa Tinsulanon Stadium, Thailand.
Kinapos ang mga Pinoy kontra host Thailand, 3-1, sa opening game noong Biyernes kaya nagkasya sa bronze game lang laban sa Tajikistan.
Inulan ang match ng Pilipinas-Thailand kaya natigil ng 25 minuto ang game at nang mag-resume ang first half ay natapos na goalless ang magkabilang panig.
Sa second half, unang naka-goal si Chanatip Songkrasin para sa Thailand sa 53′ mark, bago nakatabla si Bjorn Kristensen ng Philippines makaraan ang 10 minuto.
Makalipas lang ang limang minuto, muling lumamang ang host, 2-1, dahil sa goal ni Suphanat Mueanta.
Nabigyan naman ng red card si Amani Aguinaldo sa 74th minute matapos ang VAR (video assistant referee) check.
At sinelyuhan ni Suphanat ang pagwawagi ng Thais sa isa pang goal sa 87th minute.
“I think we played a good first 20 minutes. The game was very equal, we had our chances, but so did Thailand,” sabi ni head coach Albert Capellas.
“After the rain it was a completely different game, one that had nothing to do with what we trained and from what we expected from a top game like this,” paliwanag ng National’s mentor.