Pinoy Karate jin, swimmers nagningning sa BIMP-EAGA

Kuminang sina Jamie Danielle Nirza sa women’s karate, at Philip Sahagun at Quendy Fernandez sa swimming, sa pagtatapos ng 11th BIMP-EAGA Friendly Games noong Miyerkoles.

Kinatawan ang Team A, ipinakita ng 18-anyos na si Nirza ang husay sa pagsipa ng 36.5 total points upang daigin si Anisa Aira Nur ng Malaysia (36.2) sa advance women’s individual kata gold.

Nagkasya si Nur sa silver habang bronze Ameera Liew ng Malaysia B at Nasir Abdul ng Brunei ang bronze.

“I’m happy to achieve such a feat, and I worked hard for this one. I’m glad na I was able to perform the way I wanted, and I’m happy for my teammates we’re able to perform [well],” sabi ng 1st year nursing student sa Jose Maria College.

“Nag-practice ako ng napo, kapag nagpe-perform ako, I go there with my very best, and I just feel honored and blessed to bring something that our country can be proud of,” dagdag ni Nirza.

Bukod sa ginto, nasungkit ni Nirza at kanyang kasamahan na sina Yesha Lee Ho at Al Rhina Kawano ang women’s team kata silver sa pagtala ng 34.6 puntos. 

Sa men’s individual, nakuha ni Arvin Santillana ang pilak nang kumolekta ng 36 puntos.

Samantala, kinopo ni Sahagun ang boys’ 200 meter backstroke (2:14.38) at kasama ng PH Team A ay nagwagi ng isa pang ginto sa 4x100m medley relay.

para itaas ang kanyang kabuuang gintong medalya sa lima.

“Goal ko talaga na mapasama sa national team and represent our country sa international competitions,” ani Sahagun.

Si Fernandez naman ay nagdagdag ng dalawa pang medalya– isang ginto sa girls 200m backstroke at pilak sa 4x100m medley relay.

Sa kabuuan, nakakalap ang swimming team ng limang ginto at dalawang pilak na medalya. (Photo by PSC)