ROS 1 win away sa semis

Isang panalo na lang ang kailangan ng Rain or Shine matapos ang overtime victory sa Magnolia, 111-106, sa Game 3 ng kanilang best-of-five semifinal series sa PBA Season 49 Governors’ Cup, Linggo sa Ynares Center, Antipolo.

Bumangon ang Elasto Painters sa nakadidismayang 52 points loss sa Game 2 upang muling lumamang sa serye, 2-1, at lumapit sa semifinals.

Sumandal ang Hotshots kay Zavier Lucero sa dying minutes sa regulation at kinumpleto ang three-point play opportunity bago nagbaon ng four-point shot tungo sa 98-all sa nalalabing 13 segundo.

Nakanakaw pa ng bola si Mark Barroca ngunit mintis ang potential game-winning layup niya, kaya nauwi sa OT ang laro.

Dahil pa rin kay Lucero kaya nakatabla ang Magnolia sa extra period, 106-all. Ngunit sa huli ay nanaig ang TNT nang maipasok nina Gian Mamuyac, Aaron Fuller, at Jhonard Claritor ang limang free throws.

Si Fuller, nasundot sa mata ni Ian Sangalang sa Game 2, ay nagsalansan ng 29 points, 11 at six assists habang si Clarito ay nagdagdag ng 18 markers, eight boards, two assists, two steals at one block.

Nanguna sa Magnolia si Jabari Bird na may 31 points at 10 rebounds habang si Lucero ay nagambag ng 24 markers at nine boards.