Rain or Shine ang makakalaban ng defending champion Talk N’Text sa best-of-seven semifinals ng PBA Season 49 Governors’ Cup.
Umusad ang Elasto Painters sa semis makaraang pauwiin ang Magnolia, 113-103, sa do-or-die Game 5 ng quarterfinals Sabado sa Ynares Center Antipolo.
Iwan ng 12 puntos ang ROS ngunit nakabalikwas. Na-convert pa ni Andrei Caracut ang back-to-back shots tungo sa five-point lead, 106-101, sa nalalabing 1:29 minuto.
Kasunod nito nalusutan ni import Aaron Fuller ang depensa ni Calvin Abueva at nakumpleto ang layup na tuluyang nagpalayo sa Elasto Painters mula sa Hotshots, 108-101.
Second conference in a row napabilang sa top four ang ROS, una ay sa nakaraang Philippine Cup.
Iiwasan naman ng Elasto Painters maulit na mawalis sa semis, gaya nang sinapit kontra San Miguel Beermen na nilampaso sila sa four games.
“We’re playing a tough team. Totally havent really thought anything other than this game,” giit naman ni Rain or Shine head coach Yeng Guiao.
Bumida si Fuller sa ROS sa kanyang 26 points, nine rebounds, three assists, two steals at one block habang si Jhonard Clarito ay may double-double 17 markers at 10 boards.
Para sa Magnolia, nanguna si Jabari Bird na may 23 points at 15 rebounds habang si Abueva ay nagdagdag ng 16 markers at nine boards.